kaninang umaga, pinapanuod kong kumain ung isang manok. naisip ko tuloy, maswerte pa pala ko kung tutuusin. at least ako may kamay na magagamit sa pagkain. e ung manok, wala. kawawa naman.. parang ako nga ung nahihirapan sa pagkain nya e. nakakangalay siguro kasi kelangan nya pang yumuko dun sa lalagyanan ng pagkain nya, at paulit ulit nya ung ginagawa.
pero kung iisipin mo rin, ano bang malay ng manok sa ginagawa nya. basta siya, kumakain xa para mabuhay. mejo sideline nya na lang ata ung pagtilaok nya, nagpapapansin ba.
pero naisip ko rin... naiinlab kaya sila? naramdaman na kaya nilang mabigo dahil sa isang minamahal?
naalala ko, nung minsan may handaan dito sa amin, nagkatay ung mga pinsan ko ng manok. at pinapanood ko sila habang ginagawa nila un. napansin ko ung manok, alam ko na wala naman kaming malalim na pinagsamahan ni pareng manok, pero nararamdaman ko ung sakit at pighati na nararanasan nya sa mga oras na un. isipin nyo, hiwain ba naman nang paunti unti ung leeg mo, nde ba masakit un? pumatak nga ung luha nung manok e, at alam kong masakit talaga un. kahit naman kasi manok lang xa, nasasaktan rin naman xa..
kunsabagay, nde naman nila tau masisisi, masarap sila e. kelangan nilang tanggapin, na magmula paglabas nila sa mundong ito, e nanganganib na ang buhay nila.
haay.. kawawang manok. pero kahit ganun, mukha naman siyang masaya sa kabila ng mga panganib sa buhay nya. sana maranasan kong maging isang manok.
Labels: itlog(balot), manok(fried)